Vaccination program sa Parañaque, pansamantalang itinigil dahil sa kawalan ng supply ng bakuna

Pansamantala na ring itinigil ng Parañaque City government ang vaccination program ngayong araw dahil sa kawalan ng supply ng bakuna.

Ayon kay Parañaque City Public Information Office (PIO) Head, Mar Jiminez, may dumating sa lungsod na 40,000 doses ng Sinovac vaccines subalit hindi nila ito mai-deploy dahil sa kawalan ng Certificate of Analysis (COA) mula sa manufacturer.

Tiniyak naman ng city government na agad nilang ipagpapatuloy ang pagbabakuna oras na dumating na ang COA.


Nakikipag-ugnayan na rin ang Parañaque Local Government Unit (LGU) sa Department of Health (DOH) para sa mabilis na pag-release ng COA.

Bibigyan naman ng panibagong schedule ang mga indibidwal na naapektuhan ng pansamantalang suspensyon ng pagbabakuna.

Facebook Comments