Vaccination program sa Parañaque, pansamantalang itinigil matapos maubusan ng bakuna

Nag-abiso ang Lokal na Pamahalaan ng Parañaque sa pansamantalang pagtigil pagbabakuna nito sa kanilang mamamayan.

Sa Health Advisory ng Parañaque, nakasaad na ang pansamantalang pagsuspinde sa vaccination program ay bunga ng kawalan ng supply ng bakuna.

Tiniyak naman ng Parañaque Government na sa oras na makakuha ng alokasyon ng mga bakuna ang kanilang vaccination team ay agad nilang ipu-full blast ang programa.


Pinayuhan naman ng Parañaque LGU ang mga mamamayan nito na ipagpatuloy pa rin ang pagpaparehistro online para sa bakuna.

Facebook Comments