Vaccination rate ng PNP, nanatiling mataas

Mataas pa rin ang vaccination rate ng Philippine National Police (PNP) kontra COVID-19.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, 83,000 o 37 percent ng mga pulis sa buong bansa ang fully vaccinated habang may 97,000 na pulis naman ang naghihintay ng kanilang second dose.

Ito aniya ay mahigit kalahati na ng buong pwersa ng PNP.


Para kay PNP chief, isa itong magandang kaunlaran para malabanan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at pagkamatay dahil dito.

Sa ngayon aniya ay mayroon na lang 18.47% o 41,482 na pulis at non-uniformed personnel ang naghihintay na mabakunahan.

Facebook Comments