VACCINATION ROLL-OUT PARA SA MGA SENIOR CITIZEN SA LINGAYEN INUMPISAHAN NA

10

LINGAYEN, PANGASINAN – Inumpisahan na sa bayan ng Lingayen ang vaccination roll-out para sa mga nasa priority group A2 o senior citizen.

Nilinaw naman ng MHO Lingayen, na ang mga nagpaparehistrong senior citizens ang priority na mabakunahan sa mga nabanggit na iskedyul.


Hinihingi ng Lokal na Pamahalaan ang pang unawa ng publiko lalo na’t limitado pa rin at hindi sapat ang mga unang batch ng bakunang dumating sa bayan.

Natapos na kahapon May 25 ang mga nasa Brgy. Libsong East sa Lingayen Civic Center vaccination area.

Samantala, ngayong araw naman May 26 nakatakdang bakunahan mga senior citizen naman mula sa mga Brgy. Aliwekwek, Balangobong, Basing at Capandanan ang nakatakdang bakunahan sa Rural Health Unit II, Domalandan Center vaccination area.

Facebook Comments