Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mapataas ng bilang ng mga nababakunahan na mga senior citizen sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) at National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Sa isang panayam, sinabi ni Vergeire na inutos ng pangulo sa DOH na dapat yung 90% ng mga senior citizen sa buong bansa ay tapos na mabakunahan kontra COVID-19 bago dumating 100 araw ng panunungkulan ni Marcos Jr.
Dagdag pa ng DOH OIC, kailangan marating ng bansa ang coverage na 50% ng ating eligible population para sa booster shots.
Una nang inihayag ni Vergeire na muling ilalapit ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga komunidad upang mas mapalakas ito.
Nitong Hulyo 12, 71 milyong Pilipino na ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19, habang nasa 15.3 milyon naman naturukan ng booster doses.