Vaccination rollout sa mga uniformed personnel, pinabibilisan!

Nanawagan si 3-term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na madaliin na rin ang vaccination rollout para sa military at mga uniformed personnel sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pagbabakuna sa mahigit 1,000 na mga pulis at militar sa Antique na itinuturing din na frontliners.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang-diin ni Legarda ang kahalagahan ng mga military at uniformed personnel sa pagtugon sa pandemya kaya marapat lamang na protektado rin sila sa COVID-19.


Bilang isang reserve officer ng Philippine Air Force, isinulong ni Legarda noon sa Senado ang pag-angat ng sweldo ng mga sundalo at pulis, maging ang iba pang programa tulad ng pagbibigay ng educational assistance at housing program.

Facebook Comments