Vaccination Rollout sa Region 2, Maayos Ayon sa DOH 2

Cauayan City, Isabela- Ibinahagi ni Regional Director Dr. Rio Magpantay ng Department of Health (DOH) Region 02 na maayos ang takbo ng kanilang vaccination program partikular sa A1 priority list ng gobyerno.

Sa ngayon, umabot na sa 83% ang consumption rate ng unang dose ng bakung AstraZeneca at Sinovac sa buong Lambak ng Cagayan.

Ang probinsya ng Batanes ay nasa 100.8% na ang nakatanggap; 83.59% sa Cagayan, 79.60% sa Isabela, 87.18% sa Nueva Vizcaya, 70.41% sa Quirino at 112.4%7 sa Santiago City.


Nasa 41.93% pa lamang ang masterlisting uploading ng priority A1 sa target population ng gobyerno na tatanggap ng bakuna kontra COVID-19, habang nasa 27.18% naman sa priority A2 na kinabibilangan ng mga senior citizen.

Kaugnay nito, nananawagan ang ahensya sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa ibinabang minimum health protocol gaya ng paggamit ng face mask, face shield, ang palagiang paghuhugas ng kamay o ang paggamit ng alcohol at ang pagpapanatili ng social distancing para mapigilan ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Facebook Comments