Vaccination sa Philippine National Police, muling itutuloy gamit ang 700 doses ng AstraZeneca vaccines

Magpapatuloy bukas ang pagbabakuna sa natitirang healthcare workers ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa nabakunahan ng Sinovac vaccine kamakailan.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge at PNP-Administrative Support on COVID-19 Task Force (ASCOTF) Commander Lt Gen. Guillermo Eleazar, ibabakuna sa mga ito ang 700 doses ng AstraZeneca vaccines na inilaan ng National Government sa PNP.

Paliwanag ni Eleazar, 700 doses ng AstraZeneca vaccines na kanilang natanggap at 350 healthcare workers lang ang mababakunahan dahil ang natitirang 350 doses ay ituturok para sa 2nd dose ng mga ito.


Samantala, para naman sa 1,196 PNP healthcare workers na nabakunahan ng Sinovac nang nakalipas na March 1 hanggang March 7, matatangap nila ang kanilang 2nd dose makalipas ang 28 araw.

Batay sa latest data ng PNP, kabuuang 12,162 PNP personnel ang naging infected ng COVID-19 simula pa nang nakaraang taon habang 33 naman ang naitalang namatay dahil sa virus.

Facebook Comments