Vaccination sites na mabagal sa pagbabakuna ng health workers, binigyan ng ultimatum ng DOH

Binigyan ng ultimatum ng Department of Health ang mga lugar na hindi pa nagagamit ang mga alokasyong COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, may hanggang March 24 na lamang ang mga ito para magamit ang kanilang mga bakuna.

Ang mga hindi aniya magagamit na bakuna ay kukunin muna ng DOH at dadalhin sa mga lugar na may matataas na kaso ng COVID-19 infections.


Iginiit ni Vergeire na ang mga bakuna ay hindi dapat patagalin at dapat iturok agad sa health workers.

Nilinaw naman ni Vergeire na papalitan na lamang nila ang mga kukuning bakuna pagdating ng bagong batch ng COVID vaccines.

Sa ngayon, 336,656 health workers na sa buong bansa ang nabakunahan.

Facebook Comments