Vaccinators, dumaan muli sa reorientation ng immunization protocols – DOH

Muling isinalang sa reorientation sa vaccination protocols ang mga healthcare workers na nagtuturok ng COVID-19 vaccines.

Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) sa harap ng mga kumakalat na videos sa maling pagbabakuna.

Ayon sa DOH, nagsagawa ang National COVID-19 Vaccine Operation Cluster ng re-orientation ukol sa COVID-19 vaccine administration protocols sa regional at local vaccination teams sa bansa.


Pinaalalahanan ng DOH ang mga vaccinators na mag-ingat at bigyang atensyon ang immunization process.

Batid ng kagawaran na may ilang tao ang bigong nakatanggap ng kanilang proper dose ng COVID-19 vaccines.

Ang DOH, Centers fot Health and Development (CHDs) ay iniimbestigahan na ang mga insidente sa tulong ng local government units (LGUs).

Samantala, nakiusap ng DOH sa publiko na unawain ang sitwasyon ng mga healthcare workers.

Facebook Comments