Vaccinators na magtuturok ng booster shots, paparusahan – DOH

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga health worker na mahaharap sa parusa ang sinuman sa kanilang magtuturok ng booster shot kontra COVID-19.

Ito ay matapos umamin si San Juan Rep. Ronaldo Zamora na nakatanggap siya ng dalawang booster shot matapos ang dalawang dose ng Sinopharm vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa nabibigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration ang mga booster shot kontra COVID-19.


Giit ni Vergeire, hindi pa nila inirerekomenda ang booster shot dahil kulang pa ang suplay ng bakuna at hindi pa rin sapat ang ebidensya na nagsasabing epektibo ito laban sa COVID-19.

Facebook Comments