Vaccinators para sa second round ng “Bayanihan, Bakunahan” kulang pa rin – DOH

Kulang pa rin ang vaccinators ng Department of Health (DOH) para sa second round ng national vaccination drive.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, marami ang nagvo-volunteer bilang encoder pero kakaunti naman ang mga vaccinator.

Aniya, sisikapin nilang makapag-deploy ng mga doktor sa lahat ng vaccination sites dahil nakikita nilang mas kampante ang mga tao na magpabakuna kapag may presensya ng mga medical practitioner.


Samantala, aminado si Cabotaje na malabo nilang maabot ang target na pitong milyong mababakunahan simula bukas, December 15 hanggang 17.

Kasunod na rin ito ng pagkakansela ng bakunahan sa ilang rehiyon bunsod ng Bagyong Odette.

Facebook Comments