Vaccine at slot for sale, nagpapakita ng desperasyon at pagiging ganid ng ilan

25

Para may Senator Panfilo “Ping” Lacson, ang vaccine at slot for sale ay nagpapakita ng desperation bukod sa meron pa rin talagang mga ganid at sagad sa buto ang kasamaan na wala nang pinipiling panahon at sitwasyon para magpayaman sa pagsasamantala.

Dismayado si Lacson na habang maraming nagugutom dahil sa pandemya ay may mga bago namang naging bilyonaryo na ang gamit na kapital ay kasakiman sa gitna ng pinakamatinding health crisis na ating nararanasan.


Giit ni Lacson, dapat na arestuhin at kasuhan ang mga sangkot sa vaccine at slot for sale pero kaakibat nito ay bilisan at gawing mas maayos ang proseso sa pagbabakuna.

Sabi ni Lacson, bagama’t dapat panatiliin ang 15 minutong post vaccination monitoring bilang bahagi ng health protocols, ay maraming doktor ang nagsasabi na dapat alisin na ang pre-screening dahil ito ang nagpapatagal.

Paliwanag ni Lacson, sa form ay makikita na kung sino sa mga babakunahan ang may isyung pangkalusugan tulad ng hypertension at allergies kaya bakit pa sila kailangang kunan ng blood pressure.

Katwiran ni Lacson, ang matagal na proseso at mahabang pila ay baka maging sanhi pa para mahawa ng virus kung ginamit sa ibat ibang braso ang kagamitan sa pagkuha ng blood pressure.



Dagdag pa ni Lacson, hindi rin dapat paulit-ulit ang pagsulat sa form kung may kaparehong form naman ng sinagutan sa registration online ang magpapabakuna.


Facebook Comments