Vaccine czar Carlito Galvez Jr., inimbitahan ng mga senador sa pagdinig sa 2022 national budget

Inimbitahan ng ilang senador si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa susunod na pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito ay para ipaliwanag ang mga polisiya ng gobyerno hinggil sa muling pagbubukas ng klase at pagpapapasok na sa Pilipinas ng mga travelers mula sa ibang bansa.

Sa ginanap na deliberasyon ng senado kahapon para sa 2022 national budget, tinawagang-pansin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Galvez para linawin ang mga polisiya ng gobyerno sa naturang isyu.


Hindi kasi tulad ng pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee ay kailangan ng paliwanag ng Senado, para mapag-usapan ang isyu sa gitna ng debate sa pondo ng mga departamento.

Sinuportahan naman ito ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara.

Matatandaang bago ang usapin, ikinalito ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bagama’t ibinaba ang mga Alert Level System sa Metro Manila ay hindi pa rin pinapayagan ang muling pagbubukas ng klase.

Sinegundahan pa ito ni Senator Pia Cayetano na dahil pinayagan na ang mga kabataang magtungo sa mga malls at coffee shops ay dapat na mas higit ito sa paaralan.

Wala pa namang pahayag si Galvez kaugnay rito.

Facebook Comments