Vaccine Czar Delfin Lorenzana, nilinaw na hindi siya nabakunahan ng Sinovac Biotech

47

Nilinaw ngayon ni Department of Defense Secretary at Vaccine Czar Delfin Lorenzana na hndi siya nabakunahan ng COVID vaccine mula sa Sinovac Biotech.

Ang paglilinaw ay ginawa ng kalihim matapos lumabas ang mga report na nabakunahan na siya sa Southern Philippines Medical Center (SPCM) sa Davao City kahapon, March 5, 2021.


Ayon kay Lorenzana, photo ops lang ang nangyari.

Una na ring itinanggi ito ni Health Secretary Francisco Duque III at Cabinet Secretary Karlo Nograles na naroroon din sa SPMC para sa COVID-19 vaccination.

Giit ni Duque, dahil sa edad na 72-years old ni Lorenzana ay hindi siya papayagan ng mga eksperto na bakunahan ng Sinovac.

Naunang sinabi ni Lorenzana na nais niyang makatanggap ng Sinovac vaccine upang mapanatag ang pangamba ng publiko sa nasabing bakuna.



Facebook Comments