Vaccine Czar, dinipensahan si Health Sec. Duque sa isyu ng Pfizer vaccine

Ipinagtanggol ni Vaccine Czar at National Task Force Against COVID-19 Secretary Carlito Galvez Jr. si Health Sec. Francisco Duque III sa alegasyong kapabayaan nito kaya nahuli ang Pilipinas sa bakuna.

Ayon kay Galvez, posibleng pamumulitika lang ang mga alegasyong ipinupukol kay Duque.

Aniya, sa katunayan ay nasa advance stage na ang negosasyon ng bansa sa Pfizer.


Kasabay nito, itinanggi ni Galvez na pumapabor ang Pilipinas sa bakuna na gawa ng China na Sinovac.

Aniya, lahat ng bakunang kukunin ng bansa ay dumadaan sa pag-aaral.

Kung matuloy man ang pagbili sa Pfizer, posibleng dumating ang bakuna sa 2nd o 3rd quarter ng 2021.

Facebook Comments