Aminado si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na bahagyang bumagal ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa gitna ng pagdami ng mga tinatamaan ng virus.
Ayon kay Galvez, nahati ang atensiyon ng mga lokal na pamahalaan at mga healthcare workers sa bakunahan at pagtugon sa pandemya partikular sa mga lugar na nakasailalim sa lockdown.
Mula sa mahigit 527,000 na nababakunahan kada araw nitong unang linggo ng Agosto ay bumaba ito sa mahigit 482,000 kada araw nitong nakaraang linggo.
Sa ngayon, kumbinsido ang malakanyang na kakayaning mabakunahan ang 50% ng populasyon sa Metro Manila pagsapit ng huling araw ng ipinatutupad na Ehnanced Community Quarantine (ECQ) na magaganap ngayong biyernes, August 20.
Facebook Comments