Vaccine Czar Galvez at DOH Sec. Duque, inabswelto sa umano’y overpricing na COVID-19 vaccine

Inabswelto ni Senate President Tito Sotto sa isyu ng umano’y overpricing na bakuna kontra COVID-19 sina National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. at Health Sec. Francisco Duque III.

Ayon kay Sotto, walang kinalaman ang dalawa sa orihinal na presyo ng bakuna kaya dapat lamang na hindi sila pagdudahan.

Aniya, kumpiyansa siyang hindi overpriced ang bibilhing bakuna ng gobyerno at tiwala ito sa pangako ni Galvez na magbibigay ng update sa Senado tungkol sa mga negosasyon para sa suplay ng bakuna.


Matatandaan sa naging pagdinig ng Senado hinggil sa COVID-19 vaccine, pinagdudahan ng ilang senador ang tunay na presyo ng bakuna ng Sinovac na unang tinukoy ng Department of Health (DOH) na nasa mahigit P3,600 para sa dalawang doses.

Pero nilinaw ni Galvez na nasa mahigit P700 lamang ang tunay na presyo ng Sinovac at ang mataas na presyo ng DOH ay nakuha lamang sa isang news article sa Google.

Facebook Comments