Makatatanggap ang lahat ng Local Government Units (LGUs) mula sa national government ng bakuna laban sa COVID-19 na sakop ang 70% ng populasyon.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga LGUs, lalo na sa Metro Manila ay may pondo sa pagbili ng bakuna para sa kanilang mga kababayan at may mataas na tiyansang mabakunahan ang makaling bahagi ng kanilang populasyon.
Mas pinili ng mga LGUs na gamitin ang kanilang sariling budget para maraming tao ang mabakunahan laban sa sakit.
Ang mga LGUs sa Metro Manila, na pinangungunahan ang mga siyudad ng Quezon, Makati, Manila, Navotas, Pasig at Caloocan ay handa nang gumastos para makabili ng bakuna.
Ang mga nasabing LGUs ay pumasok sa tripartite procurement agreements kung saan pumapagitna ang national government sa vaccine procurement sa pagitan ng mga LGU at ng pharmaceutical firms.