Iginiit ng Malacañang na dapat makuntento ang mga senador sa presyo ng COVID-19 vaccines na ilalahad ng gobyerno.
Ito ay para maiwasan ang magiging paglabag sa confidential agreement sa vaccine suppliers.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakaling nais malaman ng mga senador ang eksaktong presyo ng mga bakunang bibilhin ng gobyerno, iminungkahi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. lumagda ang mga senador at vaccine manufacturers sa isang confidential pact.
Iginiit ni Roque na maaari lamang ilabas ng pamahalaan ang price rage ng bakuna at hindi ang aktwal na presyo nito, sa ngalan ng transparency.
Una nang iginiit ng pamahalaan na hindi maaaring ilabas ang detalye hinggil sa presyo ng mga bakuna dahil sa confidentiality disclosure agreement.