Nanindigan si COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na hindi nila ipinagpipilitan ang Sinovac.
Ayon kay Galvez, kaya nila napili ang Sinovac na gawa ng China ay dahil mas mura ito kumpara sa ibang COVID-19 vaccines.
Paliwanag nito, halos magkapresyo ang Novavax at Gamaleya habang nasa middle ang presyo ng Sinovac kung saan mas mura aniya ito sa Moderna at ibang bakuna na gawa ng Estados Unidos.
Bagama’t hindi na sinabi pa ni Galvez ang presyo ng kada dosage ng Sinovac dahil sa non-disclosure agreement, pero sinabi nitong nakamura ang pamahalaan sa pagbili nito dahil sa government-to-government deals.
Pero matatandaang sa inilabas na datos ni Senator Sonny Angara, pumapangalawa ang Sinovac sa pinakamahal na bakuna na umaabot sa ₱3,629 ang 2 doses.
Kasunod nito, umaapela rin ang Vaccine Czar na tanggalin ang diskriminasyon sa Sinovac.
Giit ni Galvez, ginagamit na ang Sinovac sa Malaysia, Singapore, Turkey at Argentina na mas mayayamang bansa kaysa Pilipinas.