Vaccine Czar Sec. Galvez, umapela sa Nayong Pilipino na payagan na ang COVID-19 vaccination site construction

91

Umapela si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Nayong Pilipino Foundation (NPF) na payagan nang magtayo ang pamahalaan ng mega vaccination site sa lugar.

Ito ay sa kabila ng pagtutol ng NPF board sa proyekto dahil magdudulot ito ng pagkasira ng kapaligiran, lalo na ang pagputol sa halos 500 mga puno.


Giit ni Galvez, mas dapat isaalang-alang ang kapakanan ng buhay ng mga tao kaysa sa mga puno.

Aniya, hindi nangangahulugan na walang pakialam ang gobyerno sa kapaligiran ngunit mawawalan din ng saysay ang ganda ng kalikasan kung wala ng mga tao ang makakabisita rito.

Nabatid na pirma na lamang ng NPF board sa memorandum of agreement ang kinakailangan para mapatayo na ang mega vaccination site

Facebook Comments