Kinumpirma ni Dr. Rontgene Solante na nagpadala na sila ng rekomendasyon sa Department of Health (DOH) hinggil sa posibleng paggamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga nakatatanda.
Gayunman, tumanggi si Dr. Solante na ilahad kung ano ang rekomendasyon nila sa DOH at sa halip ay ipinauubaya na aniya nila sa Health Department ang paglalabas ng anunsiyo.
Una nang sinabi Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kulang na ang suplay ng bakuna ng AstraZeneca na gamit sa mga nakatatanda at hindi magamit ang gawa ng Sinovac dahil sa kawalan ng datos hinggil dito.
Kinumpirma naman ni Dr. Solante, bukod sa China at Hongkong, ginagamit na rin ang Coronavac sa mga senior citizen sa Indonesia at Turkey.
Facebook Comments