Mayroon nang rekomendasyon ang vaccine expert panel (VEP) kung anong booster shots ang ituturok sa mga Pilipino.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, pwedeng homologous o kaparehong brand ng unang dalawang vaccine ang magiging booster shot.
Maaari rin ang heterologous o ibang brand ang iturok kung saan dito na papasok ang mix and match o yung kumbinasyon ng homologous at heterologous.
Sa mga ordinaryong mamamayan na hindi kasama sa health workers, senior citizen at mga immunocompromised individual na prayoridad sa bakuna, sinabi ni Vergeire na sa posibleng sa susunod na taon na ang booster ng mga ito.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na nasa Food and Drug Administration (FDA) na ang desisyon kung bibigyan ng Emergency Use Authority (EUA) ang booster brands.
Pero sa kabila ng wala pa nitong suplay sa bansa, aminado ang mga eksperto na marami na ang nagpaturok ng booster galing sa pribadong sektor.
Agad naman itong binalaan ng DOH lalo na kung makakaranas ng adverse event.
Una nang nagbabala ang OCTA Research Team na humihina ang bisa ng bakuna pagkalipas ng anim hanggang walong buwan kaya kailangan ng booster shots upang maiwasan ang posibleng pagtaas muli ng kaso sa bansa.