Nagtalaga na ang Vaccine Expert Panel (VEP) ng limang lugar na posibleng pagdarausan ng clinical trial para sa COVID-19 vaccine mula sa kompanyang Janssen sa Belgium.
Kasunod ito ng pag-apruba ng pamahalaan sa Janssen na magsagawa ng clinical trial sa bansa noong Disyembre 29, 2020.
Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergiere, ilalabas nila ang mga detalye ng nasabing clinical trial sites sa mga susunod na araw.
Kasabay nito, kinumpirma rin ni Vergeire na ipino-proseso pa ang aplikasyon ng mga kompanyang Sinovac, Gamaleya at Clover na magsasagawa ng clinical trial sa bansa.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ng ahensya na makumpleto ang mga dokumento ng nasabing mga kompanya.
Facebook Comments