Vaccine expert, tiniyak ang efficacy ng Sinovac sa mga nakatatanda

44

Tiniyak ni Vaccine Expert Dr. Nina Gloriani ang magandang resulta ng Sinovac clinical trials sa lahat ng age group.

Sinabi ni Dr. Gloriani na batay sa mga datos ng phase 1 at phase 2 ng clinical trials ng Sinovac sa iba’t ibang bansa, napatunayan ang efficacy ng Sinovac kahit sa mga nakatatanda.


Ito aniya ang dahilan kaya inirekomenda nila sa Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Sinovac sa mga may edad 60 pataas.

Naniniwala si Dr. Gloriani na mas maraming mga nakatatanda ang mailalayo sa matinding epekto ng virus kapag naturukan ng Sinovac.

Una nang inihayag ni FDA Director General Eric Domingo ang 51-52% efficacy sa mga nakatatanda ng Sinovac.

Facebook Comments