Vaccine experts panel, bubuo ng rekomendasyon sa susunod na linggo ukol sa COVID vaccine booster shots

Inaasahang bubuo ang Vaccine Experts Panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) ng rekomendasyon sa susunod na linggo ukol sa paggamit ng COVID-19 vaccine booster shots.

Ayon kay VEP Head Dr. Nina Gloriani, ang booster shots ay posibleng irekomenda para sa fully vaccinated individuals, partikular sa mga healthcare workers at immunocompromised.

Sinabi ni Dr. Gloriani na ang mga nasa frontline health services, senior citizens, persons with comorbidities ay maaaring maging bahagi ng posibleng priority list para sa COVID-19 booster vaccination.


Pinag-aaralan din ng experts panel ang pag-aaral na isinagawa ng Chinese researchers na ang antibodies mula sa Sinovac vaccines ay nawawala pagkatapos ng anim na buwan at nagkakaroon ng booster effect sa third shot.

Facebook Comments