Vaccine experts panel, hindi pa nila inirerekomenda ang COVID-19 booster shots para sa healthcare workers

Muling iginiit ng vaccine experts panel (VEP) na hindi pa nila inirerekomenda sa pamahalaan na bigyan ng COVID-19 booster shots sa mga healthcare workers.

Ayon kay VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani, patuloy nilang pinag-aaralan ang paggamit ng booster jabs, lalo na at kailangang ikonsidera ang mga implikasyon nito.

“No recommendations yet as I keep saying. DOH will make an official announcement in due time,” sabi ni Gloriani.


Matatandaang sinabi ni Dr. Gloriani na maaaring payagan ng pamahalaan ang paggamit ng booster shots sa mga nabakunahan ng Sinovac vaccines lalo na ang mga senior citizens, persons with comorbidities, at healthcare workers.

Facebook Comments