Vaccine Experts Panel, hinikayat ang mga publiko magpaturok agad ng pangalawang COVID-19 vaccine shots

Hinikayat ng Vaccine Experts Panel (VEP) ang mga taong nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccines na magpaturok ng pangalawang dose sa lalong madaling panahon.

Ayon kay VEP Chief Dr. Nina Gloriani, dapat sundin ng mga vacinee ang prescribed interval period sa pagitan ng COVID-19 vaccines doses.

“Sabi ko nga ’yung ibang mga bakuna, mas mahabang interval, mas mataas ang antibody, pero wag natin hintayin ang ganun kahaba, ASAP (as soon as possible) pag puwede na kayo,” sabi ni Dr. Gloriani.


Ang mga indibiduwal na hindi nakasipot sa schedule ng kanilang COVID-19 vaccine second dose ay maaari pa ring magpabakuna tatlo hanggan anim na buwan pagkatapos nilang maturukan ng unang dose.

“Meron pa tayong parang leeway mga three months, even six months, puwede pa. Pero ‘wag natin patatagalin. Ang kaso ‘di naman bumababa, akyat-baba ang ating kaso even sa NCR, nandyan ang variants, yan ang sinasabi natin, yan ang nagpapadami ngayon sa mga kaso sa ibang bansa ayaw natin mangyari yan sa atin,” sabi ni Gloriani.

Kabilang sa mga dahilan kung bakit hindi nakakapunta ang mga vacinee sa kanilang second dose schedule ay dahil sila ay may sakit, o may mahalagang lakad na pinuntahan.

“Mas importante po na mayroong protection at least two doses po wag pong isa lang. Nandun pa rin ang ating mga minimum public health precautions, hindi pa po natin maiaalis pa yan siguro hanggang end of the year or even early next year,” sabi ni Gloriani.

Mahalaga ang papel ng mga local government units (LGUs) para tiyaking makukumpleto ng kanilang mamamayan ang two-dose requirement.

Facebook Comments