Vaccine experts panel, nagbabala sa publiko sa interchanging ng COVID-19 vaccines

Nagbabala ang vaccine experts panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) sa pagsasagawa ng interchanging ng COVID-19 vaccines.

Apela ni VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani, hintayin ang resulta ng pag-aaral tungkol sa safety at efficacy ng mixing at matching ng limang vaccine brands na magsisimula pa lamang sa susunod na buwan.

Bigyan sana sila ng panahon na pag-aralan ng safety at immunogenicity ng vaccine brands.


“Masyadong nagmamadali ang mga tao. It is not easy to study all these. Sana tumigil na,” ani Gloriani.

Ang Philippine Society for Allergy, Asthma, and Immunology (PSAII) ang magsasagawa ng mix and match study.

Una nang sinabi ni DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Guevarra na ang pag-aaral ay magtatagal ng 18-buwan at nasa 3,000 participants ang inaasahang lalahok.

Ang Sinovac, Sputnik V, AstraZeneca, Pfizer at Moderna ang gagamitin sa pag-aaral.

Ang pag-aaral ay gagawin saw along proposed sites: Antipolo o Marikina City, Manila, Pasig City, Makati o Pasay City, Muntinlupa, Quezon City, Cebu at Davao.

Facebook Comments