Vaccine express ng Office of the Vice President, nakarating na sa Bataan

Natapos na kahapon ang rollout ng OVP VaccineExpress sa Mariveles, Bataan.

Mahalaga ang dagdag proteksyon na ito, sa nagpapatuloy na laban sa COVID-19 pandemic.

Mas maraming bakunado, mas protektado ang mga komunidad mula sa sakit.


Bukod sa bakuna, nakapagbigay rin ng incentives na hygiene kits, vitamins at ilang food items at inuming tubig sa mga nagpabakuna, sa tulong ng AngatBuhay partners.

Kasama sa vaccine drive na ito ang mga kawani mula sa Mariveles LGU, mga medical at non-medical volunteers, pati na rin ang mga Angat Buhay partners kabilang ang Equilibrium Intertrade Corporation, Curve Coffee Collaborators, Mars Wrigley Philippines, Procter & Gamble, Medtecs International Corp. Ltd., Rise Against Hunger, at Greatwell Pharma Inc. & Growrich Manufacturing Inc.

Una nang sinabi ni VP Leni na dati ay pahirapang makumbinsi na magpabakuna ang ilang residente sa probinsya pero dahil sa nagbigay sila ng incentives ay nag-uunahan na sila ngayon.

Facebook Comments