Inaasahang mas maraming lugar pa ang maaabot at matutulungan ng Vaccine Express ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Robredo, sunod na dadalhin ang Vaccine Express sa San Pedro sa Laguna, San Fernando sa Pampanga at sa Cagayan de Oro City sa Mindanao.
Nitong linggo, sa Pasig City tumungo ang team ni Robredo para tumulong sa pagpapabilis ng pagbabakuna ng lokal ng pamahalaan sa mga residente nito.
Sa ilalim ng programa, tumutulong ang Office of the Vice President na agarang ma-deploy ang mga bakuna na inilaan sa mga lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga volunteer vaccinators at encoders na binubuo ng mga doktor, nurses at medical students.
Bago nito, libo-libong Pilipino na ang matagumpay na nabakunahan sa ilalim ng Vaccine Express sa Manila City, Naga City, Iriga City, at sa Quezon City.