Vaccine hesitancy sa BARMM sosolusyunan ng pamahalaan

Aminado ang National Vaccination Operations Center (NCOV) na nananatiling mataas ang vaccine hesitancy sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni NVOC Chairperson Usec. Myrna Cabotaje na marami ang hindi interesado na magpabakuna sa BARMM dahil mababa ang kaso doon ng COVID-19.

Pero paalala nito, mas mainam na maging maagap kaysa magsisi sa bandang huli.


Ibig sabihin, hangga’t nananatiling mababa ang kaso ng COVID-19 sa BARMM ay mas mainam na magpabakuna na ang mga residente nang sa ganon ay kapag tumaas na ang kaso ay hindi mauuwi sa severe case o kamatayan ang mga fully vaccinated.

Kasunod nito, tiniyak ni Cabotaje na patuloy ang ginagawang paghikayat ng pamahalaan sa mga taga-BARMM na magpabakuna sa pamamagitan ng information dissemination.

Ang napapansin aniya nila sa mga taga-BARMM ay mas nais ng mga ito ang one shot vaccine o Johnson & Johnson vaccine upang hindi na sila magpabalik-balik sa vaccination center.

Facebook Comments