Vaccine kontra Japanese Encephalitis, available sa Pilipinas ngunit limitado

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health na mayroong vaccine ng Japanese Encephalitis dito sa bansa.

Gayunpaman ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, limitado lang ito dahil sa kasalukuyan ay isa pa lamang ang supplier nito dito sa Pilipinas.

Bukod dito, may kamahalan rin ang vaccine dahil naglalaro ang presyo nito sa 3,500 hanggang 5 libong piso.


Kaya naman, pinagaaralan ng Department of Health na maisama sa National Immunization Program ang pamamahagi ng bakuna kontra sa mosquito borne disease na Japanese Encephalitis pagdating ng 2018.

Ayon kay Tayag, isinusulong na rin ng DOH na maisama ito sa kanilang budget.

Matatandaang una na ring sinabi ng DOH na inaantay na lamang nila na mairehistro sa Food and Drug Administration ang mga bakuna para sa Japanese Encephalitis, at sakaling ma aprubahan ang plano, ang klase ng bakuna na kukunin ng DOH ay ‘yung itinuturok lamang ng isang beses upang mas mapadali ang proseso ng pamamahagi ng pagbabakuna.

Facebook Comments