Nagpaliwanag ang National Task Force against COVID-19 (NTF) kasunod ng panawagan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na imbestigahan ang mga ulat na hindi pa nalalagdaan ang tripartite agreements para sa pagbili ng mga bakuna.
Ayon kay NTF spokesman Restituto Padilla, hindi pa muna handang pumasok sa bagong kasunduan ang maraming vaccine manufacturer dahil sa ngayon ay hindi nila mapunan ang lahat ng orders sa kanila.
Aniya, nagsabi na ang Moderna, AstraZeneca at Johnson & Johnson na ayaw nilang pumasok sa kasunduan hangga’t hindi nade-deliver ang mga kasalukuyang order sa kanila.
Pero pagtitiyak ni Padilla, sapat ang kasalukuyang orders ng pamahalaan para punan ang initial stages ng pagbabakuna sa bansa.
Facebook Comments