Pwedeng magkaibang brand ang ibigay sa isang mababakunahan ng anti COVID-19 vaccine.
Pero paglilinaw ni Dr. Lulu Bravo ng vaccine expert panel, hindi nila talaga inirerekomenda ang vaccine mixing.
Ayon kay Dr. Bravo, “in general” ay ligtas ang vaccine mixing pero maaari kasing mabago ang efficacy level nito.
Paliwanag ni Dr. Lulu, maaari lamang ang vaccine mixing kung wala nang stock ng bakuna na naiturok sa unang dose at kung nagkaroon ng severe allergy ang naturukan ng unang dose nito.
Nabatid na sa ibang bansa kasi tulad ng Espanya, ginagawa na ang vaccine mixing kung saan AstraZeneca ang unang dose habang Pfizer naman ang ibinibigay para sa ikalawang dose.
Hindi rin ito maaaring gawin sa ibang bakuna tulad ng Sputnik V dahil gumagamit ito ng magkaibang adenoviral vector para sa una at ikalawang dose.