Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nasusunod ang priority list sa vaccination program ng pamahalaan para matiyak na patuloy ang naihahatid na tulong ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).
Ito ang pahayag ng Pangulo matapos maisyuhan ng show-cause orders ang limang local chief executives dahil sa pagsingit sa linya ng mga mababakunahan laban sa COVID-19.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, ikinalulungkot ng Pangulo na may ilang government officials ang hindi sumusunod sa priority list.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte na ang ginagamit na bakuna sa ngayon ay mga donasyon kaya nararapat lamang na kilalanin ang mga kondisyong kaakibat nito.
Mayroong obligasyon ang Pilipinas na sundin ang listahan bilang bahagi ng kondisyon mula nang matanggap ang mga donasyong bakuna.
Una nang nanawagan si WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na ayusin ang rollout ng AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility para hindi maapektuhan ang mga susunod na ipapadalang bakuna.