Vaccine priority list, iiral pa rin sa kabila ng “vax to the max” campaign ng gobyerno

Nilinaw ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na patuloy na iiral ang priority list sa national vaccination program sa kabila ng pagkonsidera ng pamahalaan sa “vax to the max” scheme.

Sa ilalim ng “vax to the max” scheme, sinumang may gusto ay papayagan nang bakunahan.

Ayon kay Galvez, pinapalawak lang nila ang pagbabakuna pero hindi ito nangangahulugan na binabalewala na nila ang vaccine priority list.


Prayoridad pa rin sa pagbabakuna ang mga healthcare workers, senior citizens at may comorbidities dahil sila ang vulnerable sa virus.

Samantala, una nang sinabi ni Galvez na hindi na problema ang suplay ng bakuna sa bansa.

Katunayan, 81% na ng populasyon ng Metro Manila ang fully vaccinated.

Dahil dito, tututukan na rin ng pamahalaan ang pagpapabilis ng bakunahan sa mga probinsya.

Samantala, hanggang noong Miyerkules, October 20, nasa 53.8 million doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa buong bansa kung saan 24.8 million na ang fully vaccinated.

Facebook Comments