Inumpisahan na ng Navotas Local Government Unit (LGU) ang pagpaparehistro sa mga edad 12 hanggang 17 para sa bakunahan sa mga menor de edad.
Hinikayat ang mga magulang na irehistro ang kanilang mga anak sa Google form na may link na NavoBakuna-minors.
Makakatanggap naman ng text message para sa kanilang schedule sa oras na sila ay nakarehistro na.
Ang pagbabakuna sa mga bata sa siyudad ay gagawin sa Navotas City Hospital simula sa October 22 kung saan uunahin munang mabakunahan ang mga menor de edad na may comorbidity dahil sila ang mas delikadong mahawaan ng sakit.
Inaanyayahan ang ibang mga mag-aaral na magparehistro at magpabakuna sa Navotas kahit hindi residente ng lungsod.
Facebook Comments