Tiniyak ng Department of Health na hindi makakaapekto sa vaccine rollout ng Pilipinas ang pagka-delay ng delivery ng mga COVID-19 vaccine ng Pfizer.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pagkakataon ito para maisapinal ang mga plano kasama ng mga ospital na unang makatatanggap ng mga bakuna.
Matatandaang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakarating na sana sa Pilipinas ang mga COVID-19 vaccine ng Pfizer kung mayroon na tayong sariling indemnification law.
Samantala, siniguro naman ni Food and Drug Administration Director General Enrique Domingo na darating pa rin ang mga naturang bakuna sa bansa ngayong buwan.
Facebook Comments