Umarangkada na ang pagbabakuna ng limang lungsod sa Metro Manila gamit ang inisyal na 15,000 doses ng Russian-made vaccine na Sputnik V.
Alas 10:00 kaninang umaga nang simulan ang vaccine rollout sa Parañaque na dinaluhan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.
Kabilang sa mga tuturukan ng Sputnik V ay mga heath workers, senior citizens at PWDs na una nang nagparehistro online.
800 indibidwal naman ang target na mabakunahan ngayong araw sa Makati City
Sa Maynila, gagawin ang unang Sputnik V vaccination sa Sta. Ana Hospital para sa mga medical frontliners.
Kabilang din sa mga lungsod na nabigyan ng tag-3,000 doses ng Sputnik V vaccines ay Taguig at Muntinlupa.
Facebook Comments