Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na hindi dapat isisi sa Public Attorney’s Office (PAO) ang pangamba ng publiko sa pagpapabakuna.
Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra – ginagawa lamang ni PAO Chief Persida Acosta ang kanyang trabaho at hindi niya intensyong takutin ang publiko hinggil sa negatibong epekto ng vaccination.
Aniya, ang Department of Health (DOH) at suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maglulunsad ng kampanya para hikayatin ang mga tao na magpabakuna para makaiwas sa ilang sakit gaya ng trangkaso at tigdas.
Nabatid na ang pagtaas ng kaso ng flu at measles ay bunsod ng pagkawala ng tiwala ng publiko sa government-issued vaccines na iniuugnay sa krusada ng PAO na panagutin ang mga responsible sa pagkamatay ng mga biktimang naturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.
Una nang idinepensa ni Acosta ang kanyang sarili at inakusahan si DOH Secretary Francisco Duque III sa pagpapakalat ng vaccination scare.