Vaccine security roadmap, ikinakasa na ng NTF

Hanggang sa 2023 na ang inilalatag na plano ng pamahalaan hinggil sa pagbabakuna.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 (NTF) Chief Implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., bahagi ito ng vaccine security roadmap na kanila nang ikinakasa.

Ani Galvez, importanteng makagawa ng roadmap upang matiyak na hindi mawawala ng continuity plan lalo’t wala namang nakakaalam kung hanggang kailan magtatagal ang pandemya.


Paliwanag nito, naka-angkla sa national vaccination ng pamahalaan ang ikinakasang vaccine security roadmap.

Sa ngayon, ani Galvez ay abala sila sa tinatawag na vaccination operations para sa huli at ikaapat na quarter ng 2021.

Facebook Comments