Inaasahang darating sa susunod na buwan ang COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facilirty.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa pito hanggang walong milyong doses ang inaasahang darating sa Mayo.
Aminado si Galvez na naghihintay na lamang ang Pilipinas na dumating ang mga vaccine supply lalo na at nagkakaroon ng delay sa COVAX dahil sa isyu ng logistics.
Dagdag pa ni Galvez, ang global production at delivery ng mga bakuna mula sa Europe ay apektado rin, pero inaasahang magsi-stabilize ito sa Hunyo.
Sa ngayon, tanging CoronaVac vaccine ng China at AstraZeneca vaccine ng United Kingdom ang ginagamit sa Pilipinas.
Umaasa ang pamahalaan na magkakaroon ang bansa ng portfolio ng nasa pitong brand ng COVID-19 vaccines ngayong taon.
Facebook Comments