Vaccine supply ang problema, hindi pandemic response – Pangulong Duterte

45

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na limitado o mababa lamang ang supply ng Pilipinas ng COVID-19 vaccines.

Ito ang sagot ng Pangulo sa harap ng mga kritisismo bigo ang pamahalaan na tugunan ang health crisis.


Sa kanyang public address kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na ang problema ng bansa ay ang supply ng bakuna, hindi ang pagresponde sa pandemya.

Dagdag pa ng Pangulo, na hindi lamang ang Pilipinas ang nakararanas ng health crisis.

Sa kabila nito, pinuri ni Pangulong Dutgerte ang mga Pilipino sa pagtatayo ng mga pasilidad tulad ng modular hospitals.

Facebook Comments