Vaccine tracker, ilulunsad ng pamahalaan ngayong linggo

Ilulunsad ng pamahalaan ngayong linggo ang isang vaccine tracker para sa monitoring ng immunization program.

Nabatid na aabot na sa 193,492 health workers ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, importante ang pagkakaroon ng tracking program para mabantayan kung ilang bakuna na ang naibigay sa mga benepisyaryo.


Ang mga health frontiners ang prayoridad sa vaccination para mapalakas ang kanilang proteksyon laban sa sakit.

Sa ngayon, aabot sa 1.1 million doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa mula sa Sinovac at AstraZeneca.

Facebook Comments