Nagsimula na ang Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ng trial sa isang bakuna kontra African Swine Fever (ASF) na gawa ng isang US company.
Ayon kay BAI Director Reildrin Morales, pinili ang sampung farm sa Luzon base sa kanilang kagustuhan na sumali sa trial at kanilang biosecurity.
Aniya, hindi pa rehistrado ang ansabing bakuna kaya naman kailangang makontrol ang paggamit nito.
Giit ni Morales, oras na makitaan nila ng negatibong resulta ang trial ay agad nila itong mahihinto sa mga biosecured facility.
Isang paraan aniya para malaman kung epektibo ang nasabing bakuna ay pinagsama-sama ang mga baboy na tinurukan at hindi tinurukan sa isang farm, tsaka oobserbahan kung napasok ng ASF ang nasabing farm.
Facebook Comments