Vaccine trial ng WHO sa Pilipinas, posibleng isama ang mga barangay sa Visayas at Mindanao na may COVID-19 surge

Posibleng isama sa solidarity vaccine trials ng World Health Organization (WHO) ang mga barangay sa Visayas at Mindanao na may mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Rowena Guevarra, ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao na nakikitaan ng surge ng COVID-19 cases ay maaaring ikonsiderang solidarity vaccine trial sites.

Aabot sa 15,000 participants ang kailangan sa solidarity trial ng WHO.


Sa huling datos ng Department of Health (DOH), ang Visayas ay nakapagtala ng 9,725 active cases ng COVID-19 habang 13,435 cases naman ang naitala sa Mindanao.

Facebook Comments