Vaccine trials sites para sa Sinovac, Clover at Janssen, hindi pa natutukoy ng DOH

35

Patuloy na inaalam ng pamahalaan ang lugar kung saan maaaring isagawa ang clinical trials ng COVID-19 vaccines ng Sinovac, Janssen, at Clover.

Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) matapos ihayag ng Department of Science and Technology (DOST) na ang tatlong vaccine manufacturers ay mayroon ng target list ng clinical trial sites, kabilang ang Laguna, Metro Manila, Iloilo, Cavite, Bacolod City.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipag-usap pa ang DOST sa partner contract research organizations (CROs) sa Pilipinas para masigurong ang mga lugar kung saan gaganapin ang clinical trials ay hindi madodoble sa mga lugar kung saan gagawin naman ang Solidarity Trial for COVID-19 vaccines ng World Health Organization (WHO).

Ang CROs ng vaccine manufacturers ay inabisuhan na sa mga lugar na nakareserba para sa WHO Solidarity Trial.

Sa ngayon, hinihintay na i-anunsyo ng WHO ang petsa ng pagsisimula ng Solidarity Trial.

Facebook Comments