VACUUM PACK | Bigas na ibebenta sa palengke, dapat naka-plastic na – DA

Manila, Philippines – Gusto ng Department of Agriculture (DA) na ilagay sa plastic o vacuum pack ang tingi-tinging bigas na ibinebenta sa palengke.

Isa umano ito sa repormang sisimulan ng ahensya sa kalagitnaan ng 2019.

Ayon kay DA Sec. Manny Piñol – hindi dapat nakabuyangyang ang bigas para mapanatili itong malinis.


May ilang sang-ayon pero may ilan din namang tutol sa repormang ito ng DA.

Para sa ilang consumer, mas okay na nakabuyangyang ang bigas para masuri nila itong mabuti at matiyak na wala itong bukbok.

Habang ipinag-aalala naman ng mga nagtitinda kung sino ang bibili ng plastic.

Samantala, sa katapusan ng Oktubre, itutuloy na ng gobyerno ang pagbabago sa mga pangalan ng bigas.

Limang klase na lang ng bigas ang maibebenta sa mga palengke at supermarket kabilang ang regular-milled, well-milled, whole-grain, special at NFA rice.

Magkakaroon ng Suggested Retail Price (SRP) ang regular, well-milled at whole grain rice habang ipapako sa P27 hanggang P32 ang presyo ng NFA rice.

Oobligahin din ng DA ang mga retailer na ilagay sa label kung saan galing ang ibebentang mas mahal na special rice.

Facebook Comments